Friday, October 18, 2013

"Panaginip"

"Halika, sumama ka."

(at biglang tumunog ang alarm clock)

Nagising si Ellaine dahil sa tunog nito, pero mas nagtataka siya kung anong ibig sabihin ng kanyan panaginip. Sino ang tumatawag sa kanya? Bakit hindi niya ito mamukaan?

"Ellaine, bilis male-late na tayo, ano ba!" Hiyaw ng kapatid niyang si Jerry.
"Teka, andyan na!!!


***Unang araw ng pasukan ngayon. May ibang natutuwa, ang iba naman ay hindi, at may iba namang walang paki. Si Ellaine at Jerry ay pumapasok sa isa sa pinakasikat na unibersidad sa Pilipinas sa panahon nila, ang Malaya University. Kumukuha ang dalawa ng parehas ng kurso na Nursing, si Ellaine ay 3rd year college habang si Jerry ay 2nd year . Ito ang napili nilang kurso sapagkat yun ang gusto ng kanilang mga magulang na nagtatrabaho bilang mga doktor sa London. Pinili ng magkapatid na maniharan dito at susunod na lang sa kanilang magulang kapag nakapagtapos na.


"Ellaiiiiiiine," ang sigaw ni Carol habang tumatakbo palapit kay Ellaine.
"Carooool, hoy lalo kang gumanda ah. Anong nangyari sa bakasyon mo?" sagot ni Ellaine.


**Naging magkaklase si Carol at Ellaine simula noong unang taon nila sa kolehiyo hanggang ngayon. Tinuring na nila ang isa't isa bilang matalik na kaibigan. Magkasama parati sa iba't-ibang lakad, naranasan na pakipag-away sa pagkampi sa isa't-isa. Naranasan  ng umiyak, tumawa, magalit at kung ano pang emosyon na maisip mo sa mundo. Naging tapunan ng mga sekreto. Ahhh basta, sila'y masyadong hiyang sa isa't-isa.

Patuloy ang pag-uusap ng dalawang magkaibigan habang papasok sa classroom nila. Tawa ng tawa ang dalawa habang kinukwento ni Carol ang nangyari sa kanya nung bakasyon. Nasabi ko bang, pati sa kalokohan, sinusuportahan nila ang isa't-isa? Kung hindi, basta yun na yun.

Magkatabi ang dalawa ng inuupuan. Maingay ang buong klase. May naghihiyawan sa bandang doon, may natsitsismisan sa banda rito. Ang dalawang kaibigan ay patuloy lang sa pagtawa ng may biglang pumasok na isang lalaki. Biglang natahimik ang lahat sa pagpasok nito. Parang nakakita lang ng anghel o di kaya naman aswang ang mga tao sa loob. Napatigil din sina Ellaine at Carol at napatingin na lang sa pumasok na lalaki sabay nganga. Sa totoo lang, ito ang unang beses na may kaklase sila na ganoon kagwapo, 'tila isang anghel na bumaba galing sa langit ika nga.


Lumapit ang lalaki kay Ellaine at nagtanong, "Excuse me miss, may nakaupo ba dito sa tabi mo?"
"Ha? Wa-wa-wala, " ang nauutal na sagot ni Ellaine.

Halatang kinikilig ang babae sa paglapit ng lalaki sa kanya. Siniko ni Carol si Ellaine, sabay sabing " magiging masaya ang taong ito."

Dumating na ang guro at nagsimula na ang kanilang klase. (Unang araw pa lang ah, may klase na sila. Taray ni ma'am).
Masyadong naiilang si Ellaine sa katabi. Masyadong tahimik at sobrang seryoso. Ngunit paminsa'y nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Pasulyap-sulyap lang naman ang ginagawa ng babae.
Natapos ang klase at hindi nila nakilala ang isa't-isa.

Dumaan ang maraming linggo. Hindi pa din nakakapag-usap si Ellaine at si Stephen (pangalan nung lalaki, syempre).  Naiinis na minsan si Ellaine, gusto niya maging kaibigan ang lalaki, pero sobrang nakapamisteryoso nito. Hindi man lang marunong ngumiti.

Balita'y lumaki ito sa ibang bansa at ibinalik ng mga magulang dito sa Pinas para ipagpatuloy ang pag-aaral. Ayaw nito manirahan sa Pilipinas kaya masyadong ilap ito sa mga tao at ayaw makipagkaibigan.

***riiiiiing riiiiing. (pagtunog ng alarm sa paaralan) Hudyat na uwian na.
Biyernes ang araw na yun kaya binalak ng magkaibigan na gumula. Mahilig talaga sa "night life" ang dalawa. Hindi nga lang halata. Nagsimula ang kasiyahan. Sayaw dito, inom doon at kung anu-ano pang ginawa ng mga tao sa loob. Napadami ang inom ni Ellaine, at hindi nya din alam kung bakit ganoon na lang ang kanyang pagkasabik sa alak. Inawat siya ng mga kaibigan pero ayaw tumigil ni Ellaine sa pag-inom.

"Girl, lasing na lasing ka na. Uwi na tayo. Hatid na kita. Hindi ka pwede magmaneho," ang sabi ni Carol.

Pero ayaw pa din tumigil ni Ellaine. Parang wala siya sa sarili. Biglang tumayo si Ellaine, at ang sabi ay uuwi na daw siya. Nagtataka naman ang lahat sa inaasal ni Ellaine. Pinabayaan nila ito at sinundan na lang ng tingin. Hindi makapaglagad ng maayos ang dalaga at kahit sinu-sino na lang ang binabangga. Nang nagpatuloy ito sa paglalakad muntikan na itong matumba, buti na lang ang may biglang sumalo sa babae.
 Sinong mag-aakala na ang umalalay sa babae ay si Stephen. Hinatid niya ito palabas ng bar at pinasakay ng taxi. Hindi na halos mabuka ni Ellaine ang mata. Ang malala lang niya ay si Stephen yun. Na siya ang tumulong sa kanya. Hindi na niya maalala ang mga sumunod na pangyayari. Ang alam niya lang ay nasa bahay na siya.


(lalaking inaabot ang kanyang kamay, hindi makita ang mukha)

....at biglang nagising si Ellaine. Isang panaginip naman. Hanggang ngayon, hindi niya pa din maintindihan bakit parati siyang nanaginip ng isang lalaki na nag-aabot ng kanyang kamay. Na para bang gusto nito na sumama siya sa kanya. At ang mas nakakapagtataka pa, hindi niya ito mamukhaan.


Dumaan ang maraming araw, at pabalik-balik ang kanyang panaginip. Mas lalo siyang naguguluhan. Sino ba itong lalaki sa kanyang panaginip? Anong kailangan nito sa kanya? Puro tanong lang at wala man lang sagot.
Pero ika-nga lahat ng misteryo ay mabibigyang linaw, at dumating na ang araw na iyon (ibig kong sabihin, ang gabi na yun, syempre gabi naman siya nanaginip).


"Ellaine, huwag kang matakot. Tinakda ako para hanapin ka. Kailangan mong sumama sa akin. Mapanganib sa'yo ang lugar na 'to. Hindi mo mararamdaman ngayon, pero may masamang mangyayari....." (at nawala ng bigla ang lalaki)


Nagising si Ellaine at tila pawis na pawis. Napatingin siya sa paligid at namalayan niyang umaga na pala. Nagmamadali siyang bumangon at may pasok pa siya.
Sa paaralan ay nakita niya si Stephen na papalipit ito sa kanya. Nanginginig si Ellaine, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Nagtataka siya kung bakit si Stephen ang lalaki sa kanyang panaginip.

"Ellaine, kailangan natin mag-usap. Alam ko na alam mo na kung bakit ako andito," sabi ni Stephen habang hinihila palayo ang babae.
"Teka, sandali. Nasasaktan ako. Hindi ka ba pwede magdahan-dahan, " ang sagot ni Ellaine.
"Wala ng oras Ellaine, kailangan na kitang ilayo dito," ang wika ni Stephen.
"Ano ba, sino ka ba. Hindi kita maintindihan, hindi ka man lang maka-usap sa klase. Tapos ngayon? Bigla mo akong niyaya na sumama sa'yo? May pagka-adik ka din siguro Stephen," may halong kaba sa boses ni Ellaine.

Sasagot pa sana si Stephen ng biglang may sumabog malapit sa kinatatayuan nila. Hinala niya ang babae at tumakbo sila paalis. Habang paalis sila, may isang sasakyan na nakaabang sa may tapat. May lalaking nakatayo at biglang bumunot ng baril. Eksaktong may dumaan na sasakyan kaya hindi nakita ng lalaki ang direksyon ng dalawang tumatakbo. Nagtago sa sulok ang dalawa. Nanginginig pa din si Ellaine. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Gulong-gulo na siya sa lahat ng pangyayari.

"Ellaine, makinig ka sa akin, magtiwala ka sa akin. Hindi ako masamang tao. Nakatakda akong ipagtanggol ka. Alam ko naguguluhan ka, at pasensya. Sa ngayon hindi ko pa pwede sabihin sa'yo ang lahat. Mas lalo ka lang maguguluhan. Lahat ng nangyayari ngayon ay may dahilan, maniwala ka lang sa akin. Hindi kita iiwan at hindi kita pababayaan," pag-alalang sabi ni Stephen.

Napa-iyak na lang si Ellaine. At niyakap si Stephen.


Ellaine : Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng tadhana. Madami akong tanong. Kung sino ako, kung bakit may gustong magtangka sa buhay ko at bakit kailangan ko Stephen. Basta, ito lang ang alam ko, hindi ako normal. Kailangan kong umalis sa lugar na tinitirhan ko at lisanin ang buhay na kinalakihan ko. Isang panibagong buhay at mundo ang aking haharapin, pero wala akong pangamba dahil alam kong andyan si Stephen, kampante ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kong di niya ako pababayaan. 


------------------------









No comments:

Post a Comment